Saturday, September 12, 2009

Ang kalungkutan ng pag-iisa


"Happiness is a choice, not a chance..."
Ang tao daw ang nagpapasya kung ngingiti siya o magmumukmok na lang sa isang sulok,... kung gusto mong malungkot, bahala ka,... but if you want to take the other route, then, do it,... But, if that will be the case, then, I always take the road less travelled by the people, especially, those people around me,...
Sa halos isa't kalahating taon kong pamumuhay sa isang lugar na kaiba sa aking kinamulatan at kinagamayan simula pagkabata, napakahirap ilugar ang aking sarili. Sa simula, nandyan ang pakikisama, subalit habang nagtatagal, kailangan mong matutunan ang katotohanan na hindi naman kailangang ikaw ang nakikisama, minsan, kailangan ka ring pakisamahan... na minsan pala, hindi kailangang ikaw pa rin ang umunawa, kasi, ikaw na pala ang nangangailangan ng pangunawa, hindi mo lamang napapansin.
Naramdaman mo na ba ang pakiramdam na ikaw na lamang ang nagpapalakas ng iyong loob... Nasabi mo na ba sa iyong sarili ang mga pangungusap na gaya ng "Ayos lang 'yan...", "Kaya mo yan...", "May tiwala ako sa 'yo..."? Natanong mo na ba ang sarili mo ng kung hanggang saan ang kaya mong tiisin, ibigay at ipagparaya para lang sa mga taong inaakala mong mahalaga para sa iyo? Naranasan mo na bang isumbong sa iyong sarili ang mga taong paulit-ulit na nananakit sa iyo?
Ang kalungkutan ng pag-iisa ay hindi lamang nakikita sa mga taong madalas mong nakikitang walang kasama... Minsan, kahit napapaligiran ka ng mga tao, naroroon pa rin ang pakiramdam ng pag-iisa, pangungulila, pagtangis at kawalan ng pag-asa...
Saan matatagpuan ang kaligayahang hindi ko masumpungan? Sino ang makapgapapahayag sa akin? Sino ang lubos na nakauunawa?...

Friday, September 11, 2009

It's hard to be alone,... but it's harder to be a loner,...


It's hard to be alone, but it's harder to be a loner...
Akala ko dati, kapag nagbigay ka ng kabutihan, aani ka ng kabutihan... kapag pinasaya mo ang isang taong nanlulumo, darating ang panahon na ikaw naman ang papasayahin nila... dati, akala ko ganun, pero hindi pala...
Ang saya ng pagbibigay ay magiging ganap lamang kung marunong kang magtira ng para sa sarili mo, kahit konti lang... Mahirap pala kapag isang araw, gusto mo pang magbigay pero hindi na pwede, kasi wala ka nang maibibigay,... mahirap palang magpasaya ng tao kung ikaw sa sarili mo ay nakalimutan na kung paano ngumiti at sabihing 'okay lang yan, lilipas din yan..."
"Life is so unfare!" Pero kapag fair naman ang buhay, hindi natin ito napapansin,...

"All the days of my life, I live in agony..."


"All the days of my life, I live in agony..."
Ang nakakalungkot sa pagiging matatag at masayahin ay ang katotohanan na walang nakakapuna na nasasaktan ka na pala,... na hindi mo na pala kaya,... na tao ka lang pala na may puso rin na nasasaktan,... na may katawan ka rin na napapagod,... at may damdamin ka rin na naghahanap ng matatakbuhan at mahihingahan sa mga sandaling parang tinalikdan ka na ng mundong makasarili...
Bakit ganun? Ang mga taong hindi mo kayang nalulungkot ang siyang nagbibigay kaungkutan sa iyo? Bakit ang mga taong pinagsusumakitan mong hindi masaktan ang siyang paulit-ulit na nananakit sa iyo, sinasadya man o hindi? Bakit? Marahil, may mga tao lang talaga ng kayang isaisantabi ang sariling kaligayahan para makitang masaya ang mga taong mahalaga para sa kanya. At siguro, mayroon ding mga tao na hindi marunong magpahalaga sa mga bagay na pinaghihirapan ng iba para lamang maialay sa kanila... Haay... Bakit nga kaya binabasura lang ng iba ang siyang pinapangarap ko?