Saturday, September 12, 2009

Ang kalungkutan ng pag-iisa


"Happiness is a choice, not a chance..."
Ang tao daw ang nagpapasya kung ngingiti siya o magmumukmok na lang sa isang sulok,... kung gusto mong malungkot, bahala ka,... but if you want to take the other route, then, do it,... But, if that will be the case, then, I always take the road less travelled by the people, especially, those people around me,...
Sa halos isa't kalahating taon kong pamumuhay sa isang lugar na kaiba sa aking kinamulatan at kinagamayan simula pagkabata, napakahirap ilugar ang aking sarili. Sa simula, nandyan ang pakikisama, subalit habang nagtatagal, kailangan mong matutunan ang katotohanan na hindi naman kailangang ikaw ang nakikisama, minsan, kailangan ka ring pakisamahan... na minsan pala, hindi kailangang ikaw pa rin ang umunawa, kasi, ikaw na pala ang nangangailangan ng pangunawa, hindi mo lamang napapansin.
Naramdaman mo na ba ang pakiramdam na ikaw na lamang ang nagpapalakas ng iyong loob... Nasabi mo na ba sa iyong sarili ang mga pangungusap na gaya ng "Ayos lang 'yan...", "Kaya mo yan...", "May tiwala ako sa 'yo..."? Natanong mo na ba ang sarili mo ng kung hanggang saan ang kaya mong tiisin, ibigay at ipagparaya para lang sa mga taong inaakala mong mahalaga para sa iyo? Naranasan mo na bang isumbong sa iyong sarili ang mga taong paulit-ulit na nananakit sa iyo?
Ang kalungkutan ng pag-iisa ay hindi lamang nakikita sa mga taong madalas mong nakikitang walang kasama... Minsan, kahit napapaligiran ka ng mga tao, naroroon pa rin ang pakiramdam ng pag-iisa, pangungulila, pagtangis at kawalan ng pag-asa...
Saan matatagpuan ang kaligayahang hindi ko masumpungan? Sino ang makapgapapahayag sa akin? Sino ang lubos na nakauunawa?...

No comments:

Post a Comment